Friday, March 20, 2009

oo na, corny na ako

As usual, ang bonding time namin ni Angelo ay movie. Pero ayun ako at nakapili na naman ng chenes na panonoorin... May 4 cinemas, therefore 4 movies to choose from. Dalawa doon 4pm nagstart, ang isa ay 4:15pm at ang huli ay 4:25pm. eh 4:30 na nung nakabili kami ng ticket. Alo, being a gentleman, allowed me to choose. At ang pinili ko:

SUNDO ni Robin Padilla. hehehe.. kasi gusto ko naman pag na nonood ng movie, nasisimulan. Nakakainis kasi kapag di nasisimulan yung movie, parang di maka relate sa ibang scenes.

Ayun, may konting tili ako sa tabi, kasi magugulatin talaga ko. Buti sanay na sakin ang kasama ko. I am sure hindi sya masyadong nag enjoy sa palabas... Pero ok na din daw sya kasi magkasama naman kami. Ganun din naman ako.. hay, mushy na to. Tama na.. hahaha.

Next time sya na lang ang hahayaan ko pumili ng movie. Mas may taste kasi sya kaysa sakin.

(Galing din pala mag budget ng time ni Alo. Natupad naman kasi yung paguwi namin ng 8pm na usapan nila ni daddy.)

Yun lang. Happy ako, sana kayo din. :)